Mga video na pangkalusugan para sa mga etnikong komunidad Health videos for ethnic communities

Gumawa kami ng serye ng nagbibigay-kaalaman na animated video para sa ating mga etnikong komunidad tungkol sa isang hanay ng mga paksang pangkalusugan gaya ng kalusugan ng mga kababaihan at kalalakihan, mga imyunisasyon, mga gamot laban sa virus, at iba pa.

Ang COVID-19 hanggang sa ngayon at ang mga aral na natutunan

Nagkaroon ng malaking epekto ang COVID-19 sa mga buhay sa Aotearoa New Zealand, at nagharap ng bukod-tanging mga hamon para sa mga etnikong komunidad.

 

Kalusugang Pangkaisipan

Sa video na ito, magbabahagi kami ng impormasyon tungkol sa mga suportang serbisyo para sa Kalusugang Pangkaisipan sa Aotearoa New Zealand.

 

Kalusugan ng mga Kalalakihan

Sa video na ito, magbabahagi kami ng impormasyong pangkalusugan tungkol sa prostate cancer.

 

Kalusugan ng mga Kababaihan

Sa video na ito, magbabahagi kami ng impormasyong pangkalusugan para sa mga Kababaihan tungkol sa kanser sa suso at pagsusuri para sa kanser sa matris.

 

Mga Matatanda

Sa video na ito, magbabahagi kami ng pangkalahatang impormasyong pangkalusugan para sa mga matatanda.

 

Kalusugan ng mga Kabataan

Sa video na ito, magbabahagi kami ng impormasyon para sa mga kabataan kung paano ka makikipag-ugnayan sa mga serbisyo ng kalusugang pangkaisipan.

 

Gamot laban sa virus

Sa video na ito, magbabahagi kami ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa mga gamot na laban sa virus ng COVID-19.

 

Mga Imyunisasyon

Sa video na ito, magbabahagi kami ng impormasyon tungkol sa mga bakuna na makukuha sa Aotearoa New Zealand.

 

Kalusugan ng mga Bata

Sa video na ito, magbabahagi kami ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa Pangangalagang Pangkalusugan para sa ating mga anak.

Last modified: