Tingnan ang mga lokal na pag-update mula sa inyong Civil Defence Emergency Management Group
Kunin ang pinakabagong mga balita mula sa pag-update ng Cyclone Recovery Unit
Suportang pinansyal
Ilang mga pondo ang itinatag bilang tugon sa mga baha at sa Bagyong Gabrielle, subali't marami sa mga ito ay naisara na. Makakahanap ka ng impormasyon sa ibaba tungkol sa ilan sa mga aktibong pondo.
Ang impormasyon tungkol sa iba pang pambansa, lokal, o pangrehiyong mga pondo ay nasa website ng bawat ahensya.
Work and Income (Trabaho at Kita)
Ang Work and Income ay maaaring makasuporta sa akomodasyon, o sa mga gastusing agaran o hindi inaasahan.
Alamin kung paano maaaring makatulong ang Work and Income
Mga Pangunahing Industriya
May suportang makukuha para sa mga magsasaka, nagtatanim, whenua Māori na mga may-ari at mga rural na komunidad mula sa Ministri para sa mga Pangunahing Industriya (Ministry for Primary Industries - MPI). Kabilang dito ang pondo upang suportahan ang kagalingan, kalusugan at kaligtasan, kapakanan ng mga hayop at agarang mga pagsisikap para makabangong muli.
Tingnan ang suporta ng MPI para makabangong muli makaraan ang Bagyong Gabrielle
Suporta sa negosyo
Ang mga naapektuhang negosyo ay maaaring maka-access ng ayuda sa buwis (tax relief) kabilang ang mga alternatibong kaayusan sa pagbabayad at pag-aalis ng mga multa at interes.
Suporta sa akomodasyon
Temporary Accommodation Service (TAS)
Maaaring makatulong ang TAS kung ikaw ay hindi makapanatili sa iyong bahay makaraan ang Bagyong Gabrielle at pagbaha sa Auckland. Ginawang aktibo ang TAS sa sumusunod na mga rehiyon:
- Northland
- Gisborne
- Bay of Plenty
- Hawke’s Bay
- Waikato
- Tararua District
Kung ikaw ay naapektuhan ng mga kaganapan sa panahon at kailangan mo ng pansamantalang akomodasyon, maaari kang magrehistro sa TAS. Makikipag-ugnayan sa iyo ang isang coordinator ng pansamantalang akomodasyon.
Alamin ang higit pa tungkol sa TAS
Suporta sa kalusugang pangkaisipan at kagalingan
OK lang na humingi ng tulong – huwag mag-atubili kung ikaw ay nag-aalala sa isang tao o sa iyong sarili.
Para sa tulong sa pagkabalisa o kagalingan ng kaisipan, tumawag o mag-text sa Need to Talk? sa 1737 upang makipag-usap sa isang sinanay na tagapayo nang libre, 24/7. May makukuhang mga interpreter.
Para sa pangkalahatang payo sa kalusugan, tawagan ang Healthline sa 0800 611 116.
Ang Mental Health Foundation ay may tinipon ding impormasyon tungkol sa iba't ibang suportang serbisyo na makakatulong sa mga taong nangangailangan nito.
Humanap ng mga suportang serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan at kagalingan
Mga tagapagbigay ng suporta sa komunidad
Mga tagapagbigay ng serbisyong etniko
Hanapin ang listahan ng mga tagapagbigay ng serbisyong etniko na kumikilos upang suportahan ang mga komunidad na naapektuhan ng pagbaha sa Auckland at ng Bagyong Gabrielle. Maaari kang makipag-ugnayan sa kanila kung kailangan mo ng suporta.
Hanapin ang mga tagapagbigay ng serbisyong etniko sa mga naapektuhang rehiyon
Community connectors (Mga Tagapag-ugnay sa Komunidad)
Ang mga Community Connector ay nagtatrabaho sa mga organisasyong hindi pampamahalaan at isang pinagkakatiwalaang serbisyo upang tulungan ang mga tao na maunawaan ang iba't ibang uri ng suporta na makukuha sa pamamagitan ng mga ahensya ng Pamahalaan o iba pang mga tagapagbigay ng serbisyo. Ang mga Community Connector ay makakatulong sa mga tao na makipag-ugnayan sa mga suporta at serbisyong kailangan nila.
Humanap ng isang Community Connector sa inyong rehiyon
Suporta sa wika
Pag-access sa isang interpreter
Kung tumatawag ka sa isang ahensya ng pamahalaan at kailangan mo ng tulong sa wika, humiling ka ng interpreter. Responsibilidad ng ahensya ng pamahalaan na tiyaking maa-access ang mga serbisyo nito. Kabilang dito ang pagbibigay sa publiko ng mga propesyonal na interpreter nang libre.