Pang-aabuso at panliligalig sa online Online abuse and harassment

Kung ang pang-aabuso o panliligalig sa online ay ginawa para sa, o sa ngalan ng, isang dayuhang estado, ito ay isang uri ng pakikialam ng dayuhan. Humanap ng impormasyon kung ano ang pang-aabuso at panliligalig sa online at ano ang dapat gawin kung ikaw o ang isang taong kilala mo ay dumaranas nito.

Ano ang pang-aabuso at panliligalig sa online?

Ang pang-aabuso at panliligalig sa online ay kapag ang isang tao ay gumagamit ng internet o social media upang manligalig, manakot, mam-bully o magbanta sa ibang tao. Maaari itong mangyari sa pamamagitan ng mga message, post, o iba pang pagkilos sa online na nakakapagpadama sa isang tao ng pagsama ng loob, pagkatakot, o na siya ay hindi ligtas.

Kung ang pang-aabuso o panliligalig sa online ay isinagawa para sa, o sa ngalan ng, isang dayuhang estado (foreign state), ito ay isang uri ng pakikialam ng dayuhan (foreign interference). Ang pangaabuso at panliligalig sa online ay maaaring makabalisa. Mahalagang malaman kung paano mananatiling ligtas, anong suporta ang mayroon, at ano ang iyong magagawa kung ikaw o ang inyong komunidad ay inaabuso o nililigalig sa online.

Ano ang dapat gawin kung ikaw ay niligalig o binantaan sa online

Limitahan ang pakikipag-ugnayan mo sa tao o sa account

Mga tawag sa telepono at mga text message

Gamitin ang settings sa iyong telepono para 'i-block ang contact'. Kung hindi ito gagana, kontakin ang iyong kumpanya ng telepono para ma-block nila ang numero.

Pang-aabuso o panliligalig sa online

I-update ang iyong mga privacy setting. Ang Netsafe ay nagbibigay ng mga gabay sa social media na makakatulong sa iyo sa mga privacy setting.

Isumbong kung nakatanggap ka ng anumang bagay na nagpadama sa iyo na hindi ka ligtas, o dama mong ikaw ay niligalig, tinakot o na-bully.

Pagsusumbong sa platform/website/app kung saan ito nangyari

Gamitin ang reporting feature sa website, app, o platform kung saan nangyari ang insidente. Ang gabay sa social media ng Netsafe ay may impormasyon kung paano ito gagawin.

Magsumbong sa Netsafe

Maaari mong isumbong ang nakakapinsalang nilalaman sa Netsafe: Magsumite ng hiling – Netsafe.

Maaari ka ring bigyan ng Netsafe ng dalubhasang suporta, payo at tulong tungkol sa kaligtasan sa online.

Mag-email sa help@netsafe.org.nz o mag-text sa ‘Netsafe’ sa 4282 para makakuha ng suporta.

Magsumbong sa Pulisya

Kung ikaw ay nasa panganib, tawagan kaagad ang Pulisya sa 111.

Kung hindi ito emerhensya, maaari mong kontakin ang Pulisya sa pamamagitan ng:

  • Paggamit ng 105 online form
  • Pagtawag sa 105 mula sa anumang mobile o landline, ang serbisyong ito ay libre at makukuha 24/7 sa buong bansa.

Hihilingin ng 105 form ang ilan sa iyong personal na impormasyon para tulungan ang Pulisya sa pagproseso ng iyong sumbong at mag-follow up sa iyo. Gagamitin lamang ng Pulisya ang impormasyong ito para sa mga layuning pinahintulutan.

Pagsusumbong sa NZSIS

Kung sinususpetsa mo na isang dayuhang estado ang nasa likod ng pang-aabuso o panliligalig, maaari mo itong isumbong sa NZSIS gamit ang kanilang ligtas na online form.

Hindi mo kailangang ibigay ang personal mong impormasyon tulad ng iyong pangalan, numero ng telepono, o mga detalye ng pagkontak kung hindi mo gustong gawin ito. Maaari mo ring punan ang form sa sarili mong wika. Lahat ng impormasyong iyong ibibigay ay kumpidensyal at protektado.

Kung gusto mong makipag-usap sa isang tao sa NZSIS, maaari mo silang tawagan sa +64 4 472 6170 o sa 0800 747 224.

Impormasyong ibabahagi mo sa Netsafe, Pulisya o NZSIS kapag nagsusumbong

Kapag nagsusumbong, mahalagang isali ang maraming detalye hangga't maaari. Subukang mag-screenshot o mag-save ng kopya ng:

  • Kung ano ang sinasabi o ipinapakita ng content (nilalaman)
  • User profile o account ng taong nang-abuso o nanligalig sa iyo (halimbawa, ang kanyang username)
  • Petsa at oras nang matanggap ang pang-aabuso o panliligalig
  • Pangalan ng website o app kung saan ito nangyari

Pananatiling ligtas sa online

Tingnan ang Keeping Safe Online para sa karagdagang impormasyon kung anong mga hakbang ang dapat mong gawin para manatiling ligtas sa online.

Mag-download ng impormasyong ito

Last modified: