Karagdagang halimbawa ng pakikialam ng dayuhan Further examples of foreign interference

Narito ang ilang karagdagang halimbawa ng pakikialam ng dayuhan. Ang mga halimbawang ito ay batay sa mga karanasan ng mga Etnikong Komunidad na kanilang ibinahagi sa Ministri para sa mga Etnikong Komunidad (Ministry for Ethnic Communities).

Narito ang ilang mga halimbawa ng pakikialam ng dayuhan (foreign interference) na naranasan ng mga Etnikong Komunidad na kanilang ibinahagi sa Ministri para sa mga Etnikong Komunidad (Ministry for Ethnic Communities). Ang mga halimbawang ito ay ibinigay para sa mga layuning pangimpormasyon at pang-edukasyon lamang.

Sa mga halimbawang ito, ang "dayuhang estado" (foreign state) ay nangangahulugang alinmang bansa maliban sa New Zealand. Ang salitang ito ay ginagamit upang tukuyin ang mga bansang nasa labas ng New Zealand.

Ang pakikialam ng dayuhan ay maaaring isumbong sa NZSIS at sa Pulisya. Para malaman ang higit pa tungkol sa pagsusumbong, tingnan ang: How to report foreign interference (Paano magsusumbong ng pakikialam ng dayuhan).

Halimbawa 1

Ang isang miyembro ng komunidad ay nagsalita laban sa kanyang pinagmulang bansa sa media sa New Zealand. Makaraan nito, nakatanggap siya ng tawag sa telepono mula sa kanyang bangko sa New Zealand, na nagsasabing ang kanyang mga account ay ginawang 'frozen' (hindi siya makakapag-withdraw ng pera) dahil ang kanyang pangalan ay nasa isang internasyonal na listahan ng mga taong naakusa ng malulubhang krimen. Ito ay tinatawag na 'debanking' (kawalan ng pagaccess sa mga serbisyo ng bangko). Hindi siya maka-access sa kanyang pera dahil na-frozen ang kanyang mga bank account.

Ang miyembro ng komunidad ay labis na nag-alala dahil wala siyang nagawang anumang krimen. Naniwala siyang ang kanyang pangalan ay inilagay sa listahan ng kanyang pinagmulang bansa upang takutin siya at pigilan ang pag-atake niya sa kanyang bansang pinagmulan. Nadama niyang wala siyang opsyon kundi tigilan ang pagbibigay ng kanyang opinyon.

Halimbawa 2

Ang isang miyembro ng komunidad ay nilapitan ng isang tao na kumakatawan sa isang dayuhang pamahalaan. Sinabihan siya na ang kanyang pamilya sa kanyang bansang pinagmulan ay masasaktan kung hindi siya sasali sa isang grupong inorganisa ng dayuhang pamahalaan na iyon. Ang layunin ng grupo ay magkalat ng mga pampulitikang mensahe sa loob ng kanilang komunidad sa New Zealand sa ngalan ng dayuhang estado. Hindi gustong sumali sa grupo ng miyembro ng komunidad, ngunit siya at natakot para sa kanyang pamilya at napuwersa siyang sumali para panatilihing ligtas ang kanyang pamilya.

Dahil napuwersang sumali sa grupo, nadama ng miyembro ng komunidad na siya ay binabantaan at hindi siya ligtas. Tiniyak niyang hindi siya nagsasabi ng anuman na nagpapakitang hindi niya sinusuportahan ang grupo. Hindi siya makapagsabi ng mga tunay niyang opinyon. Nawalan siya ng kalayaan sa pananalita.

Halimbawa 3

Isang etnikong komunidad ang nag-oorganisa ng isang pangkulturang kaganapan. Ang event organiser ay inalukan ng malaking donasyon ng isang taong kumakatawan sa pamahalaan ng pinagmulang bansa ng organiser. Makukuha lamang niya ang donasyon kung ang organiser ay magbabahagi ng personal na impormasyon tungkol sa mga tao sa kanyang komunidad.

Labis na naging hindi komportable ang organiser tungkol sa alok. Nakadama siya ng pressure na tanggapin ang donasyon upang masuportahan ang kaganapan ngunit hindi niya gustong magbahagi ng personal na impormasyon ng komunidad. Nang tanggihan niya ang alok, siya ay natakot. Nag-alala siya sa mangyayari sa kanya dahil humindi siya. Naging mahirap para sa kanya na maging komportable sa kanyang sariling komunidad.

Halimbawa 4

Ang isang miyembro ng komunidad ay nagkaroon ng paghihirap sa pananalapi. May isang tao sa kanilang komunidad na kumontak sa kanya sa ngalan ng isang dayuhang estado para alukan siya ng trabaho. Ang trabaho ay ang pagsubaybay sa mga miyembro ng komunidad sa New Zealand at i-report sila sa dayuhang estado. Gusto nilang malaman ang tungkol sa sinumang umaatake sa dayuhang estado.

Nabalisa ang miyembro ng komunidad. Hindi niya gustong subaybayan ang kanyang komunidad. Ang kanyang sitwasyon sa pananalapi ay ginagamit upang pilitin siya. Siya ay humindi, ngunit nag-alala kung may anumang mangyayari sa kanya dahil tumanggi siya. Sinimulan niyang ihiwalay ang sarili sa komunidad, sa takot na baka siya ay lapitang muli. Nawalan siya ng tiwala sa komunidad, na hindi siya sigurado kung sino pa ang maaaring kasangkot sa mga aktibidad na ito.

Mag-download ng impormasyong ito

Last modified: