Impormasyon tungkol sa mga ahensya ng Pamahalaan ng New Zealand Information on New Zealand Government agencies

Ang New Zealand ay may ilang mga ahensya ng pamahalaan na responsable para sa pambansang seguridad at pagprotekta ng iyong mga karapatan sa New Zealand. Narito ang impormasyon kung ano ang ginagawa ng bawat isa.

Ang mga ahensya ng Pamahalaan na nasa ibaba ay responsable para sa pambansang seguridad at pagprotekta sa iyong mga karapatan sa New Zealand. Ang impormasyong ito ay tungkol sa kanilang ginagawa at paano sila makakasuporta sa iyo. Maaari kang magsumbong ng pakikialam ng dayuhan (foreign interference) sa New Zealand Police at sa NZSIS. Para malaman ang higit pa tungkol sa pagsusumbong, tingnan ang: How to report foreign interference (Paano magsusumbong ng pakikialam ng dayuhan).

NZ Police

New Zealand Police | Ngā Pirihimana o Aotearoa

Ang New Zealand Police ay naghahatid ng mga serbisyo na tumitiyak na ang mga tao ay magiging ligtas at madamang sila ay ligtas sa kanilang mga tahanan, sa ating mga kalsada at sa kanilang mga komunidad. Ang Pulisya ay pinapatakbo 24 na oras sa isang araw na aktibong tumatarget at humahadlang sa krimen at pinsala. May humigit-kumulang na 15,000 kawani, nagtatrabaho kami mula sa mga istasyon sa lungsod at rural at mas malalaking sentro ng pagpupulis.

Pinapatakbo kami sa lupa, dagat at himpapawid, at tumutugon sa mahigit 1.3 milyong mga pangyayari kada taon – sumasagot sa mahigit 925,000 na mga tawag sa 111 at mahigit sa 743,000 na hindi pang-emerhensyang tawag.

Ang mga kawani ng Pulisya ay sinanay upang tulungan at protektahan ang lahat sa New Zealand. Ang mga serbisyo ng pulisya ay ibinibigay sa paraang gumagalang sa mga karapatang pantao at ibinibigay nang independiyente at walang kinikilingan.

Kabilang sa mga pangunahing tungkulin ng pulisya ang paghadlang, pag-imbestiga, paglutas, at pagbawas ng krimen at mga banggaan sa kalsada. Kabilang sa mga tungkulin ng Pulisya ang:

  • Pagpapanatili ng kapayapaan
  • Pagpapanatili ng pampublikong kaligtasan
  • Pagpapatupad ng batas
  • Paghadlang sa krimen
  • Pagsuporta at pagbibigay-katiyakan sa komunidad
  • Pambansang seguridad
  • Pagsali sa mga aktibidad ng pulisya sa labas ng New Zealand
  • Pamamahala ng emerhensya.

Mga Ethnic Liaison Officer

Pinahahalagahan ng pulisya ang pagkakaiba-iba at sinusuportahan ang mga etnikong komunidad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga Ethnic Liaison Officer sa buong bansa. Nakikipagtulungan sila sa mga komunidad upang kanilang maunawaan at maka-access sa mga serbisyo ng pulisya, nagbibigay ng impormasyon sa Pulisya tungkol sa mga alalahanin ng komunidad at nakikipagtulungan sa Pulisya sa pagimbestiga at paghadlang sa krimen na kinasasangkutan ng mga etnikong komunidad.

Ang aming mga kawani ay laging handang makinig sa iyong mga alalahanin at makipagtulungan sa iyo upang mapabuti ang kaligtasan.

Kung may mga pagbabantang ginawa sa iyo nang harapan o sa online na nagdulot ng takot sa iyo o sa ibang tao, mangyaring kontakin ang Pulisya. Kabilang dito ang mga insidente na maaaring naudyukan ng kapootan batay sa lahi, pananampalataya, oryentasyong sekswal, gender identity, kapansanan o edad.

Ang lahat ng taga-New Zealand ay dapat magkaroon ng kamalayan sa kanilang kapaligiran at isumbong ang kahina-hinala o di-pangkaraniwang mga pag-aasal sa mga awtoridad.

111 Police emergency:

Tumawag sa 111 at hilingin ang Pulisya kapag:

  • Nasugatan o nasa panganib ang mga tao: o
  • May malubha, agaran, o napipintong panganib sa buhay o ari-arian; o may ginagawa o may nagawang krimen at ang mga nagkasala ay nasa lugar pa rin o kaaalis lamang.

105 Police Non-Emergency Reporting:

Kung ang impormasyon ay hindi agaran, maaaring magsumbong ang mga tao ng kahina-hinala o di-pangkaraniwang pag-aasal sa kanilang lokal na Pulisya sa pamamagitan ng:

Kung kailangan mong makipag-usap sa Pulisya, tumawag sa 105 gamit ang anumang mobile o landline. Ito ay isang libreng pambansang serbisyo na available 24/7. Kung hindi ka makakonekta sa 105, mangyaring kontakin kami sa online sa https://www.police.govt.nz/use-105.

NZSIS

New Zealand Security Intelligence Service | Te Pā Whakamarumaru

Ang New Zealand Security Intelligence Service (NZSIS) ang domestic security intelligence agency ng New Zealand. Ang misyon nito ay panatilihing ligtas at may seguridad ang New Zealand at ang lahat ng naninirahan dito.

Ang NZSIS ay isang departamento ng serbisyong pampubliko na nag-iimbestiga sa mga banta sa pambansang seguridad ng New Zealand. Ibig sabihin, pinoprotektahan nito ang New Zealand bilang isang malaya, bukas at demokratikong lipunan. Tumutulong din ito na protektahan ang ugnayang panginternasyonal at kagalingang pang-ekonomiya ng New Zealand.

Ito ang domestic security agency ng New Zealand at namumuno para sa kabatirangpantao (human intelligence). Ibig sabihin, nangongolekta ito ng impormasyon sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa iba't ibang tao. Ang intelligence na nakukuha ng NZSIS ay ibinibigay sa pamahalaan at sa iba pang taga-gawa ng patakaran upang suportahan ang mahusay na paggawa ng desisyon.

Ang isa pang tungkulin ng NZSIS ay tulungan ang mga ahensya ng pamahalaan at iba pa upang protektahan ang ating mga tauhan, impormasyon at mga ari-arian mula sa mga banta sa pambansang seguridad.

Ang pangunahing mga bahaging tinutuunan ng NZSIS ay ang:

  • Pakikialam ng dayuhan, kabilang ang pagtarget sa mga etnikong komunidad sa pamamagitan ng mapamilit na aktibidad ng dayuhang estado.
  • Pag-iispiya (Espionage)
  • Marahas na extremism at terorismo

Ang NZSIS ay nakikipagtulungang mabuti sa mga lokal na katuwang gaya ng New Zealand Police at Government Communications Security Bureau (GCSB). Nakikipagtulungan din ito sa mga komunidad, iwi Māori, lokal na pamahalaan, sektor ng edukasyon, negosyo at organisasyon bilang bahagi ng misyon nito.

Pinapatakbo ito sa ilalim ng batas na Intelligence and Security Act 2017, na tinitiyak na kumikilos ang NZSIS alinsunod sa batas, at walang kinikilingan sa pulitika at itinataguyod ang mga obligasyon sa karapatang pantao. Dapat kumilos ang NZSIS alinsunod sa mga prayoridad ng intelligence na itinakda ng pamahalaan ng New Zealand.

Ang NZSIS ay hindi nang-aaresto o pumipigil sa sinuman, at ito ay hindi nag-iimbestiga ng mga tao dahil sa kanilang pananampalataya, nasyonalidad o sa pakikilahok sa mga pamprotestang aktibidad na naaayon sa batas.

Katulad ng lahat ng mga departamento ng serbisyong pampubliko, ang NZSIS ay nananagot sa Ombudsman, sa Privacy Commissioner, sa Office of the Auditor-General at sa Public Service Commission.

Ang NZSIS ay sumasailalim din sa matatag at independiyenteng pangangasiwa ng InspectorGeneral ng Intelligence and Security. Tungkulin nila ang mag-imbestiga ng mga reklamo at magsagawa ng mga opisyal na imbestigasyon tungkol sa mga intelligence agency upang matiyak na kumikilos sila nang wasto at alinsunod sa batas. Ang NZSIS ay nananagot din sa parlyamento at mga Ministro ng New Zealand.

Alamin ang higit pa sa Home | New Zealand Security Intelligence Service

Manatiling may-kaalaman Engagement | New Zealand Security Intelligence Service

Mag-report ng alalahanin Reporting a national security concern

GCSB

Government Communications Security Bureau | Te Tira Tiaki

Ang Government Communications Security Bureau (GCSB) ang namumunong ahensya ng New Zealand para sa signals intelligence. Ito ang intelligence na nakukuha mula sa mga elektronikong komunikasyon.

Ang intelligence na ito ay ibinibigay sa mga ahensya ng pamahalaan upang masuportahan ang kanilang mga operasyon at paggawa ng desisyon. Ang GCSB ay tumatanggap din ng intelligence mula sa mga katuwang na ibang bansa, lalo na mula sa Australya, Estados Unidos, United Kingdom at Canada. Ang kumbinasyong ito ng GCSB at intelligence mula sa ibang bansa ay tumutulong sa New Zealand na bigyangsaysay ang mundo at mapamahalaan ang mga banta sa pambansang seguridad.

Ang GCSB din ang namumunong pangoperasyong ahensya para sa cyber security sa pamamagitan ng National Cyber Security Centre (NCSC), na isang business unit sa loob ng GCSB. Ang NCSC ang nagbibigay ng mga serbisyong cyber security sa buong New Zealand - mula sa mga indibidwal hanggang sa mga maliliit at may katamtamang laki na mga negosyo at organisasyon, malalaking pangangalakal, pamahalaan, at mga mahahalagang pambansang organisasyon.

Ang Own Your Online website ng NCSC na nakatuon sa pagbibigay ng payo at gabay tungkol sa cyber security para sa mga indibidwal at mga maliliit hanggang sa may katamtamang laki na negosyo. Para magsumbong ng isang cyber security na insidente, bisitahin ang Own Your Online o ang National Cyber Security Centre.

Ang GCSB ay nakikipagtulungang mabuti sa New Zealand Security Intelligence Service (NZSIS). Ang NZSIS ay nag-iimbestiga ng mga banta sa pambansang seguridad ng New Zealand kabilang ang pagprotekta sa demokrasya ng New Zealand, sa mga banta ng pakikialam ng dayuhan at sa karapatan ng lahat ng tao na mamuhay at magsalita nang malaya.

Maraming mga pangligtas na tumitiyak na ang GCSB ay laging kikilos alinsunod sa batas ng New Zealand at sa mga obligasyon sa karapatang pantao.

Isinasagawa ng GCSB ang mga tungkulin nito sa ilalim ng Intelligence and Security Act 2017, na isang batas na nagpoprotekta sa New Zealand bilang isang malaya, bukas at demokratikong lipunan.

Ang GCSB ay isang departamento ng pampublikong serbisyo at, katulad ng lahat ng mga ahensya ng pamahalaan, ito ay nananagot sa Ombudsman, sa Privacy Commissioner, sa Office of the Auditor-General at sa Public Service Commission. Ang GCSB ay sumasailalim din sa matatag at independiyenteng pangangasiwa ng Inspector-General ng Intelligence and Security. Ang Inspector-General ang nagiimbestiga ng mga reklamo laban sa mga intelligence agency at nagsasagawa ng mga review at opisyal na pag-iimbestiga upang tingnan kung sila ay kumikilos nang ayon sa batas at wasto. Ang GCSB ay nananagot din sa parlyamento at mga Ministro ng New Zealand.

May humigit-kumulang sa 600 na kawani ang nagtatrabaho para sa GCSB. Nagbuhat sila sa buong lipunan ng New Zealand at nagsasagawa ng iba't ibang tungkulin. Ang GCSB ay may pampublikong website www.gcsb.govt.nz na nagpapaliwanag nang higit pa tungkol sa mga gawain nito.

Human Rights Commission

Human Rights Commission | Te Kāhui Tika Tangata

Ang Te Kāhui Tika Tangata Human Rights Commission ang national human rights institution (NHRI) sa New Zealand. “He whakamana tangata. Ang buhay na may dignidad para sa lahat" ang aming motto at inilalarawan namin ito sa pamamagitan ng pagprotekta at pagpapatatag ng mga karapatang pantao ng lahat ng taga-New Zealand at pagtiyak na nakapaloob ang Te Tiriti o Waitangi sa lahat ng aming ginagawa.

Ang Human Rights Commission ay may apat na Commissioner, isang Indigenous Rights Governance Partner at humigit-kumulang sa 60 kawani na nasa Auckland, Wellington at Christchurch.

Itinataguyod at pinoprotektahan namin ang mga karapatang pantao sa ibat ibang paraan. Isa sa mga ito ay sa pamamagitan ng aming libre at kumpidensyal na mga serbisyo upang tulungan ang publiko na talakayin ang mga reklamo tungkol sa labag sa batas na diskriminasyon sa ilalim ng Human Rights Act 1993.

Ang aming mga case advisor (tagapayo sa kaso) at mga mediator (tagapamagitan) ay nakikipatulungan sa mga tao upang magbigay ng impormasyon, suportahan ang maagang pagresolba at mag-alok ng mga serbisyo para sa paglutas ng mga alitan. Ang aming mga serbisyo ay libre at kumpidensyal. Hindi kami nagiimbestiga ng mga reklamo o nagpapasya kung nilabag ang batas.

Maaari kang magreklamo kung sa palagay mo ay dumanas ka ng diskriminasyon dahilan sa iyong lahi, relihiyon, kasarian, pagpapahayag ng kasarian, oryentasyong sekswal, kapansanan o iba pang personal na katangian.

Makakapagreklamo ka rin kung dumanas ka ng panliligalig na sekswal, hindi ginugustong pagaasal na sekswal, o kung may isang tao na nagtatangkang baguhin ang iyong oryentasyong sekswal o pagpapahayag ng kasarian.

Ang diskriminasyon ay maaaring magbuhat sa isang indibidwal, gaya ng isang employer, mayari ng indahan, guro, o isang organisasyon o serbisyo gaya ng isang restaurant o organisasyong pampamahalaan.

Libre at kumpidensyal ang pagrereklamo sa Human Rights Commission. Upang malaman ang higit pa tungkol sa pagrereklamo, bisitahin ang aming website sa tikatangata.org.nz.

May makukuhang impormasyon sa wikang te reo Māori, Samoan, Tongan, Traditional Chinese, Simplified Chinese at Hindi, pati na rin ang mga naa-access na format gaya ng Easy Read, Braille file, malalaking titik at audio.

He whakamana tangata.

Ang buhay na may dignidad para sa lahat.

Ombudsman | Kaitiaki Mana Tangata

Ombudsman | Kaitiaki Mana Tangata

Makakatulong ang Ombudsman kapag may problema ang mga tao sa mga ahensya ng pamahalaan, kabilang ang sentral na pamahalaan at lokal na pamahalaan. Halimbawa, ang Ministri para sa Panlipunang Pag-unlad (Ministry of Social Development), Immigration New Zealand, ang paaralan ng iyong anak at ang inyong lokal na konseho.

Ang pagtatanong o pagrereklamo sa Ombudsman ay libre at available sa lahat.

Maaari kang magreklamo sa Ombudsman kung sa palagay mo ang isang ahensya ng pamahalaan ay kumilos o gumawa ng desisyon na hindi ka nasiyahan, na sa palagay mo ay hindi patas, hindi makatwiran o mali. Ang iyong reklamo ay pagaaralang mabuti. Maaaring hilingin sa iyo ng Ombudsman na magreklamo ka muna sa ahensya at makakapagbigay ng payo kung paano magagawa ito. Maaaring sabihin sa iyo ng Ombudsman ang iba pang mga paraan kung paano mo maihaharap ang iyong mga alalahanin. Maaari ring tumulong ang Ombudsman para lutasin ang iyong reklamo o imbestigahan ito.

Maaari ka ring magreklamo sa Ombudsman kung ang isang ahensya ng pamahalaan ay tumangging magbigay sa iyo ng impormasyon.

Ang Ombudsman ay tumutulong din sa mga tao na nagnanais magsiwalat ng mga malulubhang kamalian sa kanilang lugar ng trabaho, o nangangailangan ng payo kung paano sila mapoprotektahan kung gagawa sila ng pagsisiwalat. Maaaring imbestigahan ng Ombudsman ang mga pagsisiwalat o i-refer ang mga ito sa 'angkop na awtoridad' upang maisaalang-alang.

Hindi ka magkakaproblema sa pakikipag-ugnayan mo sa Ombudsman. Hindi dapat sabihin ng Ombudsman kaninuman ang tungkol sa iyong alalahanin, maliban kung ang paggawa nito ay tutulong sa paglutas nito.

Ang Ombudsman ay independiyente at hindi nagbibigay ng ligal na payo, o kumikilos bilang isang tagapagtaguyod o ahente.

Pakikipag-ugnayan

Maaari kang makipag-ugnayan sa Ombudsman kung may mga tanong ka o gusto mong magreklamo.

May hanay ng makakatulong na mga mapagkukunan at publikasyon sa iba't ibang wika at format ang available sa website ng Ombudsman.

Mag-download ng impormasyong ito

Last modified: