Doxing Doxing

Kung ang doxing ay ginawa para sa, o sa ngalan ng, isang dayuhang estado (foreign state), ito ay isang uri ng pakikialam ng dayuhan (foreign interference). Humanap ng impormasyon kung ano ang doxing at ano ang dapat gawin kung ikaw o ang isang taong kilala mo ay na-dox.

Ano ang doxing (o doxxing)?

Ang doxing ay kapag may isang tao na naglagay ng iyong personal o pribadong impormasyon sa online nang hindi ka muna tinanong. Maaaring kabilang dito ang iyong buong pangalan, tirahan, numero ng telepono, kung saan ka nagtatrabaho, o maski ang mga detalye ng pagkontak sa iyong pamilya. Kadalasan, hinihikayat niya ang ibang tao na gamitin ang impormasyon para ikaw ay takutin, bantaan, ligaligin o intimidahin.

Kung isinagawa ang doxing para sa, o sa ngalan ng, isang dayuhang estado (foreign state), ito ay isang uri ng pakikialam ng dayuhan (foreign interference). Ang pampublikong pagbabahagi ng personal at pribadong impormasyon ay maaaring makapinsala sa pagkapribado, seguridad at kaligtasan ng isang tao.

Ano ang dapat gawin kung ikaw ay na-dox

Sabihin sa pamilya at mga kaibigan

Kung komportable ka, ipaalam sa iyong pamilya at mga kaibigan ang nangyari, maaaring matarget din sila. Hilingin sa kanila na i-set sa private ang kanilang mga social media profile.

Pagsusumbong sa platform/website/app kung saan ito nangyari

Gamitin ang reporting feature sa website, app, o platform kung saan nangyari ang insidente. Ang gabay sa social media ng Netsafe ay may impormasyon kung paano gagawin ito.

Magsumbong sa Netsafe

Maaari mong isumbong ang nakakapinsalang nilalaman sa Netsafe: Magsumite ng hiling – Netsafe.

Maaari ka ring bigyan ng Netsafe ng dalubhasang suporta, payo at tulong tungkol sa kaligtasan sa online.

Mag-email sa help@netsafe.org.nz o mag-text sa ‘Netsafe’ sa 4282 para makakuha ng suporta.

Magsumbong sa Pulisya

Kung ikaw ay nasa panganib, tawagan kaagad ang Pulisya sa 111.

Kung hindi ito emerhensya, maaari mong kontakin ang Pulisya sa pamamagitan ng:

  • Paggamit ng 105 online form
  • Pagtawag sa 105 mula sa anumang mobile o landline, ang serbisyong ito ay libre at available 24/7 sa buong bansa.

Hihilingin ng 105 form ang ilan sa iyong personal na impormasyon para tulungan ang Pulisya sa pagproseso ng iyong sumbong at mag-follow up sa iyo. Gagamitin lamang ng Pulisya ang impormasyong ito para sa mga layuning pinahintulutan.

Pagsusumbong sa NZSIS

Kung sinususpetsa mo na isang dayuhang estado ang nasa likod ng pag-dox sa iyo, maaari mo itong isumbong sa NZSIS gamit ang kanilang ligtas na online form.

Hindi mo kailangang ibigay ang personal mong impormasyon tulad ng iyong pangalan, numero ng telepono, o mga detalye ng pagkontak kung hindi mo gustong gawin ito. Maaari mo ring punan ang form sa sarili mong wika. Lahat ng impormasyong iyong ibibigay ay kumpidensyal at protektado.

Kung gusto mong makipag-usap sa isang tao sa NZSIS, maaari mo silang tawagan sa +64 4 472 6170 o 0800 747 224.

Impormasyong ibabahagi mo sa Netsafe, Pulisya o NZSIS kapag nagsusumbong

Kapag nagsusumbong, mahalagang isali ang maraming detalye hangga't maaari. Subukang mag-screenshot o mag-save ng kopya ng:

  • Personal o pribadong impormasyon na naibahagi o nai-post
  • User profile o account ng taong nagbahagi nito (halimbawa, ang kanyang username)
  • Petsa at oras ng pagbabahagi o pag-post ng impormasyon
  • Pangalan ng website o app kung saan ito nangyari

Paano mo mapoprotektahan ang iyong sarili laban sa doxing

Manatiling ligtas sa online

Tingnan ang Keeping Safe Online para sa karagdagang impormasyon.

Mag-ingat sa pagbabahagi ng impormasyon sa online

Tingnan ang iyong mga privacy setting sa iyong social media at mga online account. I-set sa private ang iyong mga profile upang ang mga taong pinagkakatiwalaan mo lamang ang makakakita sa iyong impormasyon.

Mag-web search tungkol sa iyong sarili

Hanapin ang iyong pangalan at mga personal na detalye para makita ang impormasyon tungkol sa iyo na available sa publiko. Tanggalin ang anumang personal at pribadong impormasyon, gaya ng iyong tirahan, na maaaring magamit ng ibang tao para pinsalain ka.

Pamahalaan ang mga location at geotagging setting sa iyong mga device

Ang mga smartphone at camera ay maaaring mag-embed ng mga datos ng lokasyon sa mga litrato sa pamamagitan ng paggamit sa iyong mga location settings. Maaari itong gamitin para hanapin ang iyong personal na impormasyon, tulad ng iyong tirahan o paaralan ng iyong mga anak. Ang pag-'off' ng mga geotagging o location setting ay magkakaiba para sa bawat device, kaya mag-search sa online gamit ang pangalan ng iyong device para sa mga partikular na tagubilin.

Mag-download ng impormasyong ito

Last modified: