Paano magsusumbong ng pakikialam ng dayuhan How to report foreign interference

Hindi kailangang pabayaan ng mga Etnikong Komunidad sa New Zealand ang pakikialam ng dayuhan. Maaari kang magsumbong ng pakikialam ng dayuhan (foreign interference) gamit ang mga opsyong nasa ibaba.

Hindi kailangang pabayaan ng mga Etnikong Komunidad sa New Zealand ang pakikialam ng dayuhan. Maaari kang magsumbong ng pakikialam ng dayuhan (foreign interference) gamit ang mga opsyong nasa ibaba.

 

Sa isang emerhensya

Kung ito ay nangyayari ngayon, tumawag sa 111 at hilingin ang Pulisya.

Kung hindi ka makapagsalita at nasa cell phone ka, manatiling tahimik at makinig sa prompt na ‘press 55’.

Kung hindi ka makapagsalita at ikaw ay nasa landline phone, manatiling tahimik at pakinggan ang operator na magsasabi sa iyo na pindutin ang anumang buton para sa tulong.

 

Pagsusumbong ng pakikialam ng dayuhan

Lahat tayo ay makakatulong na panatilihing ligtas ang New Zealand laban sa pakikialam ng dayuhan sa pamamagitan ng pagsusumbong nito sa NZSIS o sa Pulisya. Alinmang paraan ang iyong pipiliin, titiyakin nila na ang iyong impormasyon ay makakarating sa tamang lugar.

Magsumbong ng pakikialam ng dayuhan sa NZSIS

Maaari kang magsumbong ng pakikialam ng dayuhan gamit ang secure online form sa website ng NZSIS.

Hindi mo kailangang ibigay ang iyong personal na impormasyon tulad ng iyong pangalan, numero ng telepono, o mga detalye ng pagkontak kung hindi mo gustong gawin ito.  Maaari mo ring punan ang form sa sarili mong wika.

Kung gusto mong makipag-usap sa isang tao sa NZSIS, maaari mo silang tawagan sa +64 4 472 6170 o 0800 747 224.

Kapag nakita ng NZSIS ang iyong sumbong, sisiyasatin nila ito. Kung mag-iiwan ka ng mga detalye ng pagkontak sa iyo, kokontakin ka lamang ng NZSIS kung kailangan nila ng karagdagang impormasyon. Kung hindi ka kinontak ng NZSIS, hindi ito nangangahulugan na binale-wala nila ang iyong sumbong.

Magsumbong ng pakikialam ng dayuhan sa Pulisya

Kung hindi ito emerhensya, maaari mong makontak ang Pulisya sa pamamagitan ng:

  • paggamit ng 105 online form
  • pagtawag sa 105 mula sa anumang mobile o landline, ang serbisyong ito ay libre at makukuha 24/7 sa buong bansa.

Hihilingin ng 105 form ang ilan sa iyong personal na impormasyon para tulungan ang Pulisya sa pagproseso ng iyong sumbong at mag-follow up sa iyo. Gagamitin lamang ng Pulisya ang impormasyong ito para sa mga pinahintulutang layunin.

 

Mag-download ng impormasyong ito

Last modified: